Thursday, December 31, 2009

TALISMAN


Bioman (Inspiration of Talisman)


TALISMAN (Talino, Lakas, at Bilis, Pinagkaisa)

Ang pinagkakaingatang lihim ng Republika ng Pilipinas...

KABISIERA (Kabisera - Capital)
Ito ang punong tanggapan ng mga Talisman. Ang KABISIERA ay pinaikling Kawanihan ng mga Bihasa sa Siensiya at Robotika - Commission on Robotic Science Expertise...  Ang punong tanggapan ay nababalot sa "invisible force field" na tinatawag na Taclob.

May Tatlong Talisman...

Puting Talisman

Si Lucy, tunay na pangalan ay Maria Luz Onasis. Siya ang may hawak sa talisman na may kakayahan lumipad. Siya ay mula sa Luzon.

Talismang Bughaw

Si Tivo, tunay na pangalan ay Travis Ayaso. Siya ang may hawak sa talisman na may kakayahan sa karagatan. Siya ay mula sa Visayas.

Pulang Talisman

Si Army, tunay na pangalan ay Armin Danao. Siya ang may hawak sa talisman na may kakayahan sa apoy. Siya ay mula sa Mindanao.

Sila ay pinamumunuan ni Iris, punong ministro ng KABISIERA. Ang kanang kamay ni Iris ay si Mandy, Amanda Lou Young ang tunay na pangalan. Si kinalaunan, siya ang magiging Talismang Ginto, ang magbubuklod sa tatlong Talisman para magkaisa.

Ang layunin ng mga Talisman ay iligtas ang Republika na Pilipinas sa anumang kapahamakan mula sa labas ng teritoryo nito ng palihim.

Ang makakalaban ng mga Talisman ay ang Imperia na pinamumunuan ni Isis, ang kakambal at mortal na kaaway ni Iris.
Abangan ang mga Talisman!

No comments:

Post a Comment